Ginugunita tuwing ika-28 ng Mayo ang International Day of Actions for Women's Health kaya bilang pakikiisa sa paggunita ng araw na ito, isang libreng serbisyo ng Cervical Screening ang inihandog sa mga nanay ng Barangay 73 noong ika - 30 ng Mayo taong 2007. Ang pagsusuri ay ginawa mismo sa opisina ng KASECA, nagtulong-tulong ang mga nanay na miyembro ng KASECA para iayos ang opisina at maging wasto ito sa gagawing pagsusuri. Malalaking kurtina lang at dalawang misang mahaba ang kinailangan ay nagmukha na ring operating room ang opisina ng KASECA.
Maaga pa lang ay abala na sa pagpapakulo ng tubig ang ilang nanay para siguraduhing malinis at sterilized ang mga gagamitin sa pagsusuri. Maraming nanay ang agad nagpalista para sumailalim sa pagsusuri ng mag-umpisa ng tumanggap ng kliyente ang mga kinatawan ng Caloocan City Health Department. Dahil hindi agad naisaayos ang lugar na pagdadausan ng talakayan sa pagpaplano ng pamilya at pagpapahalaga sa kalusugan ng mga kababaihan, nagkaroon na lamang ng face-to-face counseling kasabay sa interbyu ng magpapasuring nanay.
Ganap na ika 11:30 na umaga ng matapos ang pagsusuri sa mga nagpalistang nanay. Dalawampu't anim na kananayan din ang nabigyan ng libreng serbisyo sa Cervical Screening subalit napag-alaman ng mga organisador na marami pa sana ang gustong humabol para magpasuri. Dahil sa napag-alaman, binalak ng KASECA sa pakikipagtulungan ng CHD na isagawa din sa ibang barangay ang ganitong gawain. Malaki ang pasasalamat ng KASECA at mga nanay sa mga staff ng Caloocan Health Department na sina Dr....., Vilma dela Cruz, Marissa H. Calsina, Clarita Abuin, Ma. Luzviminda S. Bautista, at Connie Meronlede para sa tagumpay ng proyektong ito.

No comments:
Post a Comment