
Bahagi sa mga adbokasiya ng KASECA ang makilahok sa anumang gawain o programa na may kaugnayan sa usapin ng pag-unlad. Nang ilunsad ng Education Network (E-Net) ang proyektong Hawak Kamay para sa Edukasyon noong ika-26 ng Abril, aktibong nakilahok ang mga nanay at kabataang miyembro nito. Ang proyekto ay bahagi sa pagdiriwang ng Global Action Week for Eduation 2007 kung saan mahigit isang libong Pilipino ang nagsama-sama para manawagan sa dekalidad na edukasyon para sa lahat at isulong sa lalong madaling panahon ang Philippine Education for All National Action Plan 2015. May mga mensaheng ipinarating mula sa mga kabataan, sa mga katutubo, at mula sa armed conflict areas para sa mga lider at kinauukulan. May mga kandidato ring inimbitahan para magbigay ng kanilang tugon at reaksiyon hinggil sa platapormang inihahain ng ibat-ibang grupo. Bilang pagtatapos ng programa ay nagkaroon ng Covenant Signing bilang pahayag ng kanilang suporta sa Education for All Platform. Pumirma rin ang mga miyembro at lider ng KASECA sa nabanggit na panawagan.

No comments:
Post a Comment