Naalala nyo ba ang mga linyang ito “May alam ako dyan”, o “Salamat sa payo nyo Mang Jordan”. Lingid sa kaalaman ng marami, si Mang Jordan ay si Sir Domeng Landicho, isa sa mga premyadong manunulat at tumanggap na ng iba't-ibang parangal sa larangan ng Literatura. Ang ilan sa kanyang mga obra ay ang Bulaklak ng Maynila, Anak ng Lupa, Dupluhang Bayan, Tula sa Ating Panahon at marami pang iba. Isa rin po siyang magaling na artista sa entablado at sa pelikula.
Sa nakaraang Playwriting Workshop ng KASECA Youth na ginanap sa Kuhala Bay Resort noong June 14 – 17, 2007, pinalad ang mga kabataang ito dahil si Mang Jordan o si Sir Domeng Landicho ang kanilang nakasama para paghusayin ang kanilang mga kakayahan sa pagsusulat at paggawa ng script. Ibinahagi ni Sir Domeng ang kanyang mga buhay na karanasan sa pag-gawa ng iba't-ibang genre ng dula. Binigyan niya ng diin pagbubuo ng isang malayang dula na hindi nakabatay sa isang tradisyunal na pamamaraan ng pagbubuo ng isang dula. Sa pagtatapos ng workshop, labis ang pasasalamat ng mga lider ng KASECA at ng PRRM sa tulong na ibinahagi ni Sir Domeng para hubugin ang mga kakayahan ng mga kabataan sa Caloocan. Labis naman ang tuwa ng mga kabataan sa mga bagong kaalaman at estratehiya na ibinahagi ni Sir Domeng at higit sa lahat nakasama nila si Mang Jordan.

No comments:
Post a Comment