Tuesday, May 1, 2007
Halalang Marangal
Ang isyu ng pulitika ay isa sa mga mahalagang usapin kung gusto nating makamit ang maayos at magandang buhay. Nakasalalay sa mga magiging pinuno ng bayan ang maayos na pamamahala na kung saan ay pinahahalagahan ang kalagayan ng mga mamamayan. Sa nakaraang eleksiyon ay naging bahagi ang mga miyembro ng KASECA sa isang mahalagang gawain, ang pagbabantay ng boto. Nagpahayag ng buong suporta ang mga lider ng KASECA sa HALALANG MARANGAL bilang mga volunteer nito sa pagbabantay ng boto at pagpapanitili ng tapat at patas na eleksiyon. Subalit hindi lubusang naging matagumpay ang ginawang pagbabantay dahil sa usapin ng pagkakakilanlan, marami sa volunter ang hindi nakapasok sa mga canvassing center ngunit may iba pa rin na nakakuha ng mga datos. Ayon sa mga lider ng KASECA, isa itong magandang karanasan na kailangang ipagpatuloy kaya magkita-kita na lang sa susunod na eleksiyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment