Saturday, March 10, 2007

KASECA sa mas Malawak na Gawain


Kasamang muli ang Caloocan City sa tatlong taong programa ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) sa tulong pa rin ng The David and Lucile Packard Foundation. Ang programang ito ay ang Mobilizing Resources and Demonstrating Good Governance for Population and Sustainable Development. Layunin ng programa ang maka-ambag sa pagkamit ng maayos at magandang buhay sa pamamagitan ng pag-angat ng mga lokal na pinagkukunan at pagpapahayag ng maayos na pamamahala. Gagamiting batayan ang ugnayang Populasyon at Pag-unlad (POPDEV Framework) sa pagsasakatuparan ng mga gawain nito. Pangunahing katuwang sa programa ay ang Kalipunan ng mga Sektor sa Caloocan para Kalusugan na una ng na-organisa sa katatapos lang na programa din ng PRRM sa FP/RH.

Para maiayon ang mga pangarap at layunin ng KASECA sa mas malawak na batayang Populasyon at Pag-unlad isinagawa ang isang Organizational Diagnosis and Strategic Planning Workshop noong Marso 7 – 9, 2007 sa Pranjetto Hills and Restaurant, Tanay Rizal. Sa pagsusuri ng kalagayan ng organisasyon, lumabas na kailangang paigtingin pa ang pakikipag-ugnayan sa iba pang organisasyon upang mas maraming maging katuwang sa pagbibigay ng mga serbisyo at gawain para sa komunidad. Kasabay din ng workshop ang mga oryentasyon at pag-aaral sa ugnayang populasyon at pag-unlad. Tinalakay ni G. Jimmy Ceguerra, Project Associate ng PRRM kung paano nakakaapekto ang populasyon sa pag-unlad. Ang direktor naman ng POPCOM NCR na si Gng. Rosalinda Marcelino ang nagbigay ng mas malawak na impormasyon sa ugnayang Populasyon at Pag-unlad at ang mga proseso nito. Inilatag din niya ang ang ibat-ibang programa sa NCR na may perspektibo ng POPDEV at kung paano ito maipapasok sa mga gawain at programa ng KASECA. Upang magkaroon ng iba pang batayang impormasyon sa pagbubuo ng mga gawain at programa ng KASECA, inilatag ni Gng. Vilma dela Cruz ng Caloocan Health Department ang resulta ng Research on Budgeting and Spending of Caloocan City Health Department na kasama sa no-cost extension program ng PRRM Packard Phase II Project na kung saan mas naunawaan ng kasapi ng KASECA ang mga proseso ng pag-budget sa Caloocan Health Department.

Pagkatapos ng mga oryentasyon at pag-aaral, inumpisahan na ang workshop sa pagbabago ng pangarap, layunin at mga gawain ng KASECA para maiayon sa mas malawak na perspektibo ng ugnayang Populasyon at Pag-unlad. Ang tatlong araw na workshop at mga pag-aaral ay tinapos sa pagtalakay ng mga layunin at inaasahang maabot PRRM Packard Phase 3 project na tinalakay ni Gng Rebecca Gaddi, ang Project Coordinator ng Phase III Project.

Ang mga dumalo sa ODSP Workshop ay sina:

1. Vilma dela Cruz
2. Josie Lakilak
3. Nenita Sancap
4. Corazon Siya
5. Consolacion Menenses
6. Gerardo Geronimo
7. Winston Santiago
8. Rosalyn Herrera
9. Raquel Yabut
10.Mark Allen Palma
11.Jomar Lacap

Ang mga taga-pagsalita at mga tagapagpadaloy

1. Rose Marcelino
2. Carla Santos
3. Rebecca Gaddi
4. Elaine Benicarlo
5. Jimmy Ceguerra
6. Merlan Nazareno

No comments: