Isang Action Planning Workshop ang isinagawa sa PRRM Headquarters noong Marso 20, 2007 upang ipagpapatuloy ang hindi naabot na gawain ng nakaraang Organizational Diagnosis and Strategic Planning Workshop. Ito'y ang pagbubuo ng plano sa taong 2007 na nakabatay sa mas malawak na perspektiba ng ugnayang populasyon at pag-unlad. Kaya muli na namang nagsama-sama ang mga kinatawan ng kasaping organisasyon ng KASECA para pag-usapan ang mga detalye ng gagawing plano ng organisasyon. Binalikan at nirebisa ng mga dumalo ang SWOT analysis na nabuo sa nakaraang ODSP Workshop hanggang sa matukoy ang ibat-ibang estratehiya na gagawin ng KASECA sa pag-abot ng mga layunin nito ng naaayon sa kasalukuyang kalagayan ng organisasyon. Kasama na rin sa pagbubuo ng plano ang mga bagong hikayat na miyembrong organisasyon ng KASECA. Ito'y ang Caloocan Social Welfare and Development sa katauhan ni G. Arnold at ang Basa Bata sa katauhan naman ni Alvin Abelardo.
Hindi naging madali para sa grupo ang pagbubuo ng plano. Kinailangang isa-isahin ang lahat ng impormasyong lumabas sa SWOT Analysis bago matukoy ang mga gagawing aktibidades na ibaba sa mga komunidad ng Caloocan. Ang bawat mungkahi ay dumadaan sa masinop na pagpapalitan ng mga koro-koro. Iba-iba man ang organisasyong pinanggalingan hindi ito naging hadlang para kolektibong mabuo ang plano ng KASECA. Sa huli, naging matagumpay pa rin ang buong araw na pag-uusap dahil sa aktibong pakikilahok, sipag at tiyaga ng mga kasapi. Bago dumilim at maghiwa-hiwalay ang grupo, malinaw kung ano ang mga nais na gawin ng KASECA sa buong taon para sa iba't-ibang komunidad na Caloocan.
Sa mga dumalo sa Action Planning Workshop mabuhay po kayong lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment